MARLYN

Papunta kami ng husband ko sa office ng biglang naisipan namin na dumaan sa McDonald’s Drive thru. Napansin namin may batang nakaupo sa gilid na may dalang plastic na malaki. Nuong una akala ko chicharon pero hindi pala. Panay ang sulyap nya sa amin na siguro bumubwelo lang siya para bentahan kami ng dala niya.

Lumapit na siya habang inaantay naming ang order namin. In fairness naman sa batang yun…maganda sya at mukang bagong gising pa. Pinay beauty so to speak at masarap ayusan. Marlyn daw pangalan nya. Biniro pa ng husband ko, “Bakit di ka pumasok?”, “Wala na po kaming pasok, bakasyon na po…” sabi niya. “Bakit di ka nagsiswimming?”, pangungulit ni sir. “Wala po kasi kaming pang swimming…” at least totoo lang siya sa sarili nya. Mga 13 years old siguro sya.

Sa sobrang na mesmerize kami ng kanyang kagandahan napabili nalang din kami ng madami dami. P10 lang isa ng tinda nya. DI na masama ang P120 worth na special pinipig na tinda nya. Bahala na kaming mag asawa pano naming iddispose yun iba sa tyan at mgpapamigay nalang din siguro.

Bago kami umalis kumaway kaway pa siya at nagpasalamat. Siguro natuwa din dhil kahit pano madami nabawas sa paninda nya.

Sa totoo lang, masarap tulungan ang mga taong tinutulungan din ang sarili. Kesa nga naman maglimos at magpakunsensya na walang makain…pagkatapos makikita mo lang sila ngsisigarilyo, hindi worth na tulungan. Tinuruan lang natin sila maging parasite na ipapamana lang din nila sa mga ka apu-apuhan nila.

And going back kay Marlyn, nakakatuwa siya. Feeling ko naglilihi yata ako sa kanya. I have decided not to take her photo bilang respeto na din sa bata. Pero pag nakita ko sya…promise aayusan ko talaga sya. Pwede siyang pang Ms. Philippines.

anything goes on your finger tips.